Sabi nila ang pag-ibig ay isa raw sa nagpapasaya at nagbibigay ng kulay sa ating buhay. Sabi ko naman bakit ganun, madalas ang nasasaktan at lumuluha ay yung umibig ng lubos? Paano naging makulay ang kanilang buhay? Haaay! Eto na naman si Aiko, magbibigay ng walang katuturang ka-echusan tungkol sa pag-ibig.
Hindi ko i-po-promote ang movie na ito sa inyo, pero may relasyon kasi ito sa eksplinasyon ko tungkol sa pag-ibig. Ano nga ba ang pag-ibig? "LOVE is a BATTLEFIELD" according sa concept ng movie na ito. Nakikipaglaban tayo dahil sa pag-ibig, dahil sa taong mahal natin, walang sukuan kasi kapag sumuko ka ibig sabihin talo ka na. Nasaan na ba ang linyang "If you love someone, you must let that someone go..." ngayon? Bakit tila napalitan na ang linyang ito?
"I PROMISE you, there's no other woman in my life"...
Nag-umpisa kasi yan sa isang PANGAKO. Pangako na kayang baguhin ang damdamin ng isang tao (i'm not judging men, kasi even girls do make promises to their husbands/boyfriends), Pangako na kayang ipa-sugal ang lahat ng pagmamay-ari ng isang tao dahil sa paniniwala niya na kaya ngang gawin nito ang mga bagay na naipangako sa kanya. Iyon pala, nauwi lang lahat sa wala. Naisugal mo ng lahat, wala ng natira, at dun na magsisimula ang paghiram ng katauhan. Minsan kasi may mga bagay na ginagawa tayo na alam naman nating hindi na tayo yon, nagagawa natin ang mga bagay na iyon kasi bunga ng pagkawala ng lahat sa atin dahil lang sa isang pangako, at iyon ang HIRAM NA KATAUHAN. Minsan ang "hiram na katauhan" ay hindi na natin maisasauli kung wala ring naibabalik na katiting na bagay na isinugal natin.
"Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher, maaagawan ka, LUMABAN KA!"...
Indeed, hindi ibig sabihin may syota o asawa ang isang tao ay hindi na maaagawan. Marami pa rin ang pumapasok sa isang komplikadong bagay na ito. Dalawa lang naman yan, ang MAAGAWAN ka o ang MANG-AGAW ka. Ang tanging tanong ko lamang bakit kailangan pang pumasok sa maliit na butas na ito na mahirap namang lusotan? Saan ka ba dadaan pabalik? Swerte mo pa kung makakabalik ka pa... makakabalik ka nga ngunit puno ka naman ng galos at sakit. Siguro kung ako ang MAAAGAWAN, hahayaan ko lang siyang maagaw ng iba, kasi kung talagang mahal niya ako, hindi naman siya sasama sa iba diba? Pero madali lang itong sabihin, mahirap naman gawin. Kung ako naman ang MANG-AAGAW, i'll make sure makakalabas pa ako sa sitwasyong pinasukan ko. Anyways, ang punto sa paglaban ay either ipaglaban mo na wag mawala ang taong mahal mo o ipaglaban mo na wag mawala ang sarili mo dahil lang sa ayaw mong mawala ang taong mahal mo. Sana naman unahin natin ang mga sarili natin, sa PAGLABAN, laging nananalo ang mga taong hindi sumusuko lalo na yung mga taong piniling 'wag mawala ang kanilang mga sarili dahil lang sa PAG-IBIG.
LOVE is a MYSTERY. You can't understand love unless na experience mo na kung gaano ka komplikado ito. Ikaw man yung taong NAAGAWAN, NAGPA-AGAW o NANG-AGAW, Nakagawa man tayo ng mali na sa tingin natin ay hindi na kayang ayusin, sana maisip natin na lahat ng ENTRANCE may EXIT, all of us has a choice. Handa man natin gawin ang lahat dahil sa pag-ibig, sana lang 'wag natin hayaan na mawala ang katauhan natin dahil lang dun. LOVE is a four letter word with so many meanings behind it. Nasa sa'yo yan kung anong kahulugan ng pag-ibig, basta ang importante gawin mo ang tama, eventually, makakasakit din tayo, masasaktan din tayo, ang lagi lang nating tandaan "in love there can be NO OTHER MAN/WOMAN..."
PS: Showing na this September 28 under STAR CINEMA and VIVA FILMS