Naaalala mo ba ang kwento ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal tungkol sa isang gamu-gamo na umaaligid sa gasera? Sa mga hindi maka-alala, narito ang kwento:
Isang gabi, habang si Pepe ay nag-aaral katabi ang isang gasera, may gamu-gamo na umaaligid dito. Siguro ay tuwang-tuwa ang maliit na gamu-gamo sa liwanag na taglay ng gasera ni Pepe, kaya't noong pinayuhan siya ng kanyang inang huwag lumapit sa gasera sa dahilang baka masunog ang anak dito, ay nagpumilit pa rin itong lumapit at halatang nag-eenjoy sa mainit na paligid ang anak. Alalang-alala ang ina sa kalagayan ng anak habang umaaligid sa gasera, ngunit wala itong magawa sapagkat gustong-gusto naman ng anak ang liwanag na taglay ng gasera ni Pepe. Hindi nagtagal, nadatnan ng init ng apoy ang maliit na gamu-gamo, at di naglao'y nasunog ang mga pakpak nito. Kaya simula noon, naging masunurin na ang gamu gamo sa kanyang ina at nangakong makikinig ito sa kanya parati.
Minsan tayong mga tao ay parang gamu-gamo. Pilit nating sinusunod ang mga gusto natin, kahit na alam nating sa bandang huli masasaktan tayo. Minsan naring nahalintulad ang buhay ni Aiko sa isang gamu-gamo, ito ay noong na-inlab siya. Di sukat akalain ni Aiko na nakakasakit pala ang pag-ibig, na kapag nadatnan ka ng init ng apoy nito ay masusunog ka't malalampa. Minsan ng pinayuhan ng kamag-anak at mga kaibigan, na huwag masyadong lumapit at baka siya'y masunog, ngunit nagmatigas si Aiko at ipinagpatuloy ang paglipad.
Sa kanyang paglipad, bigla siyang natumba at di naglaon ay napaso siya sa lumalagablab na apoy ng pag-ibig. Nasaktan, umiyak, nalampa at ngayon hindi na makabangon. Kung sana'y noong una pa'y nakinig na siya sa payo ng iba, di sana'y naging maayos pa ang lahat sa kanya. Sugatan ang pakpak ni Aiko,sa tingin niya'y hindi maaayos agad-agad ito, at sa kasalukuyan ay hindi na muna makakalipad ang pobreng si Aiko.
Ngayon si Aiko ay nangakong gaya ng binitiwang pangako ng isang maliit na gamu-gamo, makikinig na sa payo at hindi na magiging matigas ang ulo, hinding-hindi na muling dudungaw at aaligid sa gasera. Hinding-hindi na muling iibig ng sobra. Hindi pa ngayon, baka bukas kapag ayos na mga pakpak nito, kapag handa na itong muling lumipad. Lilipad ito ng walang halong takot, ngunit aalalahanin ang mga babala na ibibigay sa kanya ng mga mahal sa buhay at hinding hindi na masasaktan sapagkat siya ay MAINGAT na sa muling PAGTIBOK NG KANYANG PUSO.
Been a long time since I last heard from you Yen. Happy na you have updated this page. And thank you for sharing this. :)
ReplyDeletethanks for dropping by algene :)
ReplyDeletehappy din ako na atlast after two months, na update ko na rin blog ko :)
inspired by Jose rizal! heyow
ReplyDelete