Saturday, November 12, 2011

Gamu-Gamo


Naaalala mo ba ang kwento ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal tungkol sa isang gamu-gamo na umaaligid sa gasera?  Sa mga hindi maka-alala, narito ang kwento:

Isang gabi, habang si Pepe ay nag-aaral katabi ang isang gasera, may gamu-gamo na umaaligid dito.  Siguro ay tuwang-tuwa ang maliit na gamu-gamo sa liwanag na taglay ng gasera ni Pepe, kaya't noong pinayuhan siya ng kanyang inang huwag lumapit sa gasera sa dahilang baka masunog ang anak dito, ay nagpumilit pa rin itong lumapit at halatang nag-eenjoy sa mainit na paligid ang anak.  Alalang-alala ang ina sa kalagayan ng anak habang umaaligid sa gasera, ngunit wala itong magawa sapagkat gustong-gusto naman ng anak ang liwanag na taglay ng gasera ni Pepe.  Hindi nagtagal, nadatnan ng init ng apoy ang maliit na gamu-gamo, at di naglao'y nasunog ang mga pakpak nito.  Kaya simula noon, naging masunurin na ang gamu gamo sa kanyang ina at nangakong makikinig ito sa kanya parati.
Minsan tayong mga tao ay parang gamu-gamo.  Pilit nating sinusunod ang mga gusto natin, kahit na alam nating sa bandang huli masasaktan tayo.  Minsan naring nahalintulad ang buhay ni Aiko sa isang gamu-gamo, ito ay noong na-inlab siya. Di sukat akalain ni Aiko na nakakasakit pala ang pag-ibig, na kapag nadatnan ka ng init ng apoy nito ay masusunog ka't malalampa.  Minsan ng pinayuhan ng kamag-anak at mga kaibigan, na huwag masyadong lumapit at baka siya'y masunog, ngunit nagmatigas si Aiko at ipinagpatuloy ang paglipad.

Sa kanyang paglipad, bigla siyang natumba at di naglaon ay napaso siya sa lumalagablab na apoy ng pag-ibig.  Nasaktan, umiyak, nalampa at ngayon hindi na makabangon.  Kung sana'y noong una pa'y nakinig na siya sa payo ng iba, di sana'y naging maayos pa ang lahat sa kanya.  Sugatan ang pakpak ni Aiko,sa tingin niya'y hindi maaayos agad-agad ito, at sa kasalukuyan ay hindi na muna makakalipad ang pobreng si Aiko.

Ngayon si Aiko ay nangakong gaya ng binitiwang pangako ng isang maliit na gamu-gamo, makikinig na sa payo at hindi na magiging matigas ang ulo, hinding-hindi na muling dudungaw at aaligid sa gasera. Hinding-hindi na muling iibig ng sobra.  Hindi pa ngayon, baka bukas kapag ayos na mga pakpak nito, kapag handa na itong muling lumipad. Lilipad ito ng walang halong takot, ngunit aalalahanin ang mga babala na ibibigay sa kanya ng mga mahal sa buhay at hinding hindi na masasaktan sapagkat siya ay MAINGAT na sa muling PAGTIBOK NG KANYANG PUSO.

Sunday, September 25, 2011

NoOtherWoman

Sabi nila ang pag-ibig ay isa raw sa nagpapasaya at nagbibigay ng kulay sa ating buhay. Sabi ko naman bakit ganun, madalas ang nasasaktan at lumuluha ay yung umibig ng lubos? Paano naging makulay ang kanilang buhay? Haaay! Eto na naman si Aiko, magbibigay ng walang katuturang ka-echusan tungkol sa pag-ibig.


Hindi ko i-po-promote ang movie na ito sa inyo, pero may relasyon kasi ito sa eksplinasyon ko tungkol sa pag-ibig.  Ano nga ba ang pag-ibig? "LOVE is a BATTLEFIELD" according sa concept ng movie na ito. Nakikipaglaban tayo dahil sa pag-ibig, dahil sa taong mahal natin, walang sukuan kasi kapag sumuko ka ibig sabihin talo ka na. Nasaan na ba ang linyang "If you love someone, you must let that someone go..." ngayon? Bakit tila napalitan na ang linyang ito?

"I PROMISE you, there's no other woman in my life"...
Nag-umpisa kasi yan sa isang PANGAKO. Pangako na kayang baguhin ang damdamin ng isang tao (i'm not judging men, kasi even girls do make promises to their husbands/boyfriends), Pangako na kayang ipa-sugal ang lahat ng pagmamay-ari ng isang tao dahil sa paniniwala niya na kaya ngang gawin nito ang mga bagay na naipangako sa kanya. Iyon pala, nauwi lang lahat sa wala. Naisugal mo ng lahat, wala ng natira, at dun na magsisimula ang paghiram ng katauhan. Minsan kasi may mga bagay na ginagawa tayo na alam naman nating hindi na tayo yon, nagagawa natin ang mga bagay na iyon kasi bunga ng pagkawala ng lahat sa atin dahil lang sa isang pangako, at iyon ang HIRAM NA KATAUHAN. Minsan ang "hiram na katauhan" ay hindi na natin maisasauli kung wala ring naibabalik na katiting na bagay na isinugal natin.

"Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher, maaagawan ka, LUMABAN KA!"...
Indeed, hindi ibig sabihin may syota o asawa ang isang tao ay hindi na maaagawan. Marami pa rin ang pumapasok sa isang komplikadong bagay na ito. Dalawa lang naman yan, ang MAAGAWAN ka o ang MANG-AGAW ka. Ang tanging tanong ko lamang bakit kailangan pang pumasok sa maliit na butas na ito na mahirap namang lusotan? Saan ka ba dadaan pabalik? Swerte mo pa kung makakabalik ka pa... makakabalik ka nga ngunit puno ka naman ng galos at sakit. Siguro kung ako ang MAAAGAWAN, hahayaan ko lang siyang maagaw ng iba, kasi kung talagang mahal niya ako, hindi naman siya sasama sa iba diba? Pero madali lang itong sabihin, mahirap naman gawin. Kung ako naman ang MANG-AAGAW, i'll make sure makakalabas pa ako sa sitwasyong pinasukan ko. Anyways, ang punto sa paglaban ay either ipaglaban mo na wag mawala ang taong mahal mo o ipaglaban mo na wag mawala ang sarili mo dahil lang sa ayaw mong mawala ang taong mahal mo. Sana naman unahin natin ang mga sarili natin, sa PAGLABAN, laging nananalo ang mga taong hindi sumusuko lalo na yung mga taong piniling 'wag mawala ang kanilang mga sarili dahil lang sa PAG-IBIG.


LOVE is a MYSTERY. You can't understand love unless na experience mo na kung gaano ka komplikado ito.  Ikaw man yung taong NAAGAWAN, NAGPA-AGAW o NANG-AGAW, Nakagawa man tayo ng mali na sa tingin natin ay hindi na kayang ayusin, sana maisip natin na lahat ng ENTRANCE may EXIT, all of us has a choice.  Handa man natin gawin ang lahat dahil sa pag-ibig, sana lang 'wag natin hayaan na mawala ang katauhan natin dahil lang dun.  LOVE is a four letter word with so many meanings behind it.  Nasa sa'yo yan kung anong kahulugan ng pag-ibig, basta ang importante gawin mo ang tama, eventually, makakasakit din tayo, masasaktan din tayo, ang lagi lang nating tandaan "in love there can be NO OTHER MAN/WOMAN..."

PS: Showing na this September 28 under STAR CINEMA and VIVA FILMS

Tuesday, August 16, 2011

DAY 5: The SON...


"GOD: Don't look around because you'll be impressed. Don't look down you'll be depressed; just look to Me and you'll be blessed. "


Sometimes we are being pressured by life.  Nothing is safe here on earth, that's the main reason why i really wanted to die.  Because for me it is better to die than to live in the world full of pain and disappointment. I have had enough of those, and ayoko na. Kaya siguro ganito ako ngayon because of the pain being inflicted to me by the people whom i thought would never really hurt me. Napaka bilis kong ma disappoint, hindi lang nasunod yung gusto kong concept or script, wala na disappointed na ako, lalo na kapag nasaktan ako ng taong alam kong hindi ako kayang saktan, nakakasakit ng buong katawan, tagos hanggang boto ang sakit.


Today, i encountered the feeling, na disappoint na naman ako. I thought everything has changed, but i know hanggang thought lang yun, nag-init na naman ang ulo ko, but thank God, He reminded me that when I look to people, i will only end up being disappointed and eventually, ma de-depress ako. But when I'll make Him the center, my point of reference, my everything, I'll be blessed.
DAY 5 has been a very long day for me, a day full of disappointment but at the end of the day, i realized one thing, God had revealed a gift i should rediscover and that is His SON, Jesus. Looking unto Him is a blessing, instead of getting disappointed and depressed, we'll be blessed because we are being reminded that everything here on earth is temporary and one day all of our sacrifices,pains, and disappointments will end.


Thank God, He gave His only son JESUS as a gift.


Monday, August 15, 2011

DAY 4: SECOND TIME AROUND




DAY 4: "SECOND TIME AROUND..."

"Listen to the words, and you can be fooled. Look at the actions, and you can be fooled. Feel deeply into your heart, and then you will know the truth. "

My day started with a text message from someone, in which i did not expect. I did not respond to his message but rather i just kept on thinking of why is he acting strange suddenly.  No offense to that someone but hindi ako agad naniwala sa mga text message niya, pati sa actions na pinapakita niya. He's actually acting weird.  Dami na pumapasok sa isip ko na baka joke na naman ito, o hindi na nito kayang baguhin ang sarili niya.

But then, i prayed to God, "LORD, ano ang i-reveal mo sa akin today?" suddenly He answered me "SIYA"! Natulala ako while sitting on my high chair sa office. "SIYA? Bakit?" Ayoko sanang maniwala pero parang may point nga si God.  Why am i not believing the actions of that guys? It's because hindi siya ganun ever since, but God was telling me, "Why not give him and yourself a chance to prove na kaya niyong dalawang magbago."

All of a sudden, naglabas lahat sa isip ko na everyone really deserves a second chance, chance para sa lahat ng tao hindi lang naman sa lovers or couples yan, pati rin sa pamilya, a chance to gather and have a bonding moments together. Chances are very rare, not everyone can have it but everyone deserves it. Kaya if you are caught by chances grab it and don't waste your time thinking if it's worth it because i tell you it is.

Even God Himself gave us chances everyday, He forgives us, He loves us unconditionally.  Why not be like Him?  We can also forgive and forget, to start a new life by giving ourselves a chance to give second chances to other people.  All of us are capable of making a good coffee, all we have to do is to put the right ingredients and stir it well for it to taste good.  In life if we are given a second chance, we must make the most out of it, and prove that the chance they've given to us eh hindi natin sasayangin.

DAY 4 is a day of rediscovering the GIFT OF CHANCE. Everyday is a chance to smile, to love, to forgive and to give second chances to those people whom we thought don't deserve because EVERYONE DESERVES TO HAVE IT.